Monday, May 10, 2010

PHILIPPINE ELECTION 2010

Any time now meron na tayong bagong president. Hmmm...malamang si Noynoy pero I didn't realized na si former president Erap would come up second. My hubby came out to vote yesterday ng mga 8am and grabe, almost 12 na sya nakauwi because of the pila daw. Grabe daw crowded sa school kung saan sya nagcast ng vote. Sobrang init and sobrang uhaw daw sya and sobrang kulob daw ang maaamoy mo and you have no choice but singhutin ang amoy ng katabi mo dahil hindi ka makakaalis sa pila. We're actually texting while nakapila sya and he told me his situation. I actually urged him to go home na lang when he said mga one hour pa bago sya makaboto dahil sobrang bagal daw ng usad ng pila. He told me na konting tiis pa daw sya because I know he is excited to experience the new process and gusto nya mafeel ang PCOS machine hehe. While he's gone, I've watched the news and saw the situation. Grabe nga ang pila and you can tell how irritable yung mga tao while waiting for their turn to vote. Isang napansin ko sa election ay ang ginawa ni Noynoy Aquino, it took him almost four hours sa pila bago makaboto! And sobra pang natouch ako sa sinabi nya when he was asked bakit pumila pa siya..he said na dapat daw kung gusto ng isang tao na mamuno...dapat matuto rin syang sumunod. Very well said diba. I think in general successful naman ang naging turn out ng election... In fact nakatutok kami magdamag sa news and grabe ang bilis ng pagpapadala ng mga results. In just a couple of hours after election, may naproclaim nang mayor at vice mayor both sa Manila and Quezon City..unlike kung mano mano pa ang election..it would take around a week bago pa malaman ang resulta. Galing galing sa PCOS machine. Kahit na may mga ibang pumalpak, like anything na gawa ng tao, may possibility talaga ng breakdown pero at least ang smartmatic ay handa to replace those deffective machines. I still don't know as of this time kung sino ang mananalo...either si Erap or si Noynoy...but whoever it would be...sana mag improve na ang Pilipinas dahil sa kanya...

0 nakiemote:

Post a Comment

thanks sa pakikiemote friendship...balik ka ha...

 
;