Wednesday, September 03, 2008

FOR 25 YEARS OLD AND ABOVE ONLY

Grabe!

Hahaha, tawa ako ng tawa sa binabasa ng asawa ko, promise! Bakit ngayon ko lang sya narinig? Kung hindi pa dinala ni perly (kaofismate kong cute na kung hindi ko alam ang KATOTOHANAN eh siguro naging crush ko sya) yung book na ito eh hindi namin maeexperience ni Jojo (ang aking hubby-hubbyhan...hehehe) ang hagalpakan at bonding na tawa ng tawa. Thanks Bob Ong na author ng greatest book ever written by a jologs writer, "BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?" dapat war kami ng hubby ko pero since binasa nya out loud ang article na ito at natawa ako...peace na ulit kami. yahoo!

anyways, i'll share with you dear friends ang article na aking tinutukoy. Ang mga batang 25 years old pababa...malamang hindi makakarelate pero malay natin... bata ka palang pala jologs ka na kaya narerecall mo ang mga pangyayaring ito, sige sali ka na rin. here it goes...

"WAYS TO KNOW WHETHER YOU'RE A MARTIAL BABY OR NOT"

*you first saw Herbert Bautista in Kaluskos Musmos and you wondered why Drandreb could not pronounce the letter "R"

*Ang major car accessory ay ang musical backup horn

*Digman ang pinakasikat na halo halo

*Nakakabili ka ng Greenwich Pizza na kalahati lang, at aliw na aliw ka sa vendo machines na nagdidispense ng softdrinks sa cup

*Baduy na baduy ka sa opening ng TODAS on Channel 13 with Val Sotto, Spanky Rigor, and Freida Fonda

*Si Bibeth, Miss Tapia, Mang Tem-I, Mary at si Tonette Macho ang kasama ng TVJ sa Iskul Bukol. Kumpleto pa ang ngipin ni Richie D' Horsie.

*Ang Walkman ay halos kalahati ng laki ng AM Radio. Malaki rin ang cassette/radio player; mga galing Saudi. Ang pinapatugtog mo ay mga pirated cassette tapes na my lyric sheet na mali mali ang lyrics

*Kapag $25 ang binigay mo sa mga nangangaroling na bata eh hindi ka kakantahan ng "Thank you, thank you...ang babarat ninyo...thank you!"

*Cloverleaf ang usong term, hindi flyover

*Singko lang ang isang fishball. Wala pang squid ball o kikiam

*Magaling ka sa Math kasi meron kang matabang ballpen na may built in multiplication table na iniikot ant ballpen na napakaraming option sa kulay ng tinta, karamihan naman hindi makita o tuyo na

*Sikat ang Gusto Rootbeer, Sunta and Mirinda Orange, RC Cola, and Sarsi with egg (with Danny Vanni - masarap na, masustansya pa!)

*Inaabangan mo sa TV ang Lotlot and friends, Lotlot and Monching, Lotlot and Friends. That's Entertainment, at That's Entertainment Saturday Edition.

*Paborito mo ang Uncle Bob's Lucky 7 Club show sa Channel 7

*Ang piso na dirty ice cream ay yung matamis na apa na ang ginagamit at maraming scoops, minsan me chocolate dip pa na mamantika sa bibig...(hahaha!)

*Ang Christmas package na inuuwi ng magulangmo ay may kasamang malaking keso de bola at hilaw na Chinese Ham (buong leg na nakabalot ng Craft at plastic na net na kulay pula)

.... hahahaah! Habang tinatype ko to, nagrereminisce ako (nyahahaha!) Iba talaga yung uso noon sa ngayon noh! Actually marami pa siya eh, kaso antok na ako... sa next post ko nalang share sa inyo kasama na ang mga personal "early 80's memories ko". LOL. Till my next post. I'm in a good mood today, I hope I could impart with you my positive vibes after reading this post . God Bless everyone!



6 nakiemote:

Tey said...

hindi ko alam di pala mabanggit ni dranreb and "r".. funny post girl
Ester's Daily Thoughts
Ester's Money Journal
Ester's Recollections

Anonymous said...

Uhmm... 24 pa lang ako. Kaya cguro hindi ako mkarelated. ;)

I also recommend other books of Bob Ong like ABNKKBSNPLKo and Ang Alamat ng Gubat. Try mo basahin. :D

Unknown said...

buti na lang at may ganyang libro...dapat ka nga palang magpasalamt sa author kasi malaki ang naitulong sa inyong dalawa ng hub hub mo...hehehe..

btw, thanks for visiting my korean food. Feel free to come back! hehe...

myles said...

ahahaha, ako rin sis diko alam hirap pala sya sabihin ang "r" - puro r tinambakan pa naman ng "r" ang pangalan nya.
Blogger Tey said...

hindi ko alam di pala mabanggit ni dranreb and "r".. funny post girl

myles said...

eto ang charing joe! im sure fan ka rin ni joed serrano noh! hahahaa!
"Joedel said..."

Uhmm... 24 pa lang ako. Kaya cguro hindi ako mkarelated. ;)

myles said...

uu nga sis, napatawa nya ako hindi pa nya sariling joke, kinuha nya pa sa libro... hehehe. buti nalang it worked. :)

"Blogger idealpinkrose said...

buti na lang at may ganyang libro...dapat ka nga palang magpasalamt sa author kasi malaki ang naitulong sa inyong dalawa ng hub hub mo...hehehe.."

Post a Comment

thanks sa pakikiemote friendship...balik ka ha...

 
;